Wika Tungo sa Kaunlaran ng Karunungan
Ang wika ay regalo ng Diyos sa bawat tao upang magkaroon ng
bukas na kominikasyon tungo sa pagkakaisa. Bawat bansa sa mundong ating
ginagalawan ay may kani-kanilang wika na siyang ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Ang Pilipinas ay may sariling wikang Filipino. Ito ay
ginagamit sa pakikipag-kapuwa sa ating bansa.
Tuwing buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Ngayong taon ang pagdiriwang ay may temang: “Filipino: Wika ng Saliksik.” Ang layunin ng selebrasyon ng taon ito ay ang pagbibigay galang at pag-alala sa wikang nagpapakilala sa ating pagka- Pilipino. Ang layon ng selebrasyon ngayong taon ay pagsulong ng karunungan at kaunlaran ng bansa sa paggamit ng sarili nating wika. Sa pamamagitan ng tema, layon nito na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at sipnayan.
Habang ang mundo ay patuloy na nagbabago at ang mga
impormasyong ating nakakalap ay unti-unting nagiging komplikado at kadalasang
mahirap unawain sapagkat ang mga ito ay maaaring marating at posibleng baguhin
ng nakakarami. Ngayong taon, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay naglalayong
paunlarin ang pagsasaliksik ng bawat isa gamit ang sarili nating wika. Ang mga
kaalamang maaari nating makalap ay posibleng makakatulong sa pagpapaunlad sa
pambansang ekonomiya, pamamahala, edukasyon, at kalagayang panlipunan. Ang
pagkalap ng detalye at kaisipang bunga nito ay mapapakinabangan at mauunawaan
ng nakakarami kapag ito ay nailahad sa wikang Filipino.
Tunay na ang pagtangkilik ng sariling atin ay ikakabuti ng
ating ekonomiya at ito ay nagpapakita ng ating pagka- Pilipino.
This was very Intriguing, thank you for the fun read
ReplyDeleteMagaling! Ang ganda ng ginawa mo!!
ReplyDelete